-- Advertisements --

Pinalaya na ang dinakip na mayor ng Ukraine couthern city ng Melitopol ilang araw matapos itong dakpin ng mga sundalo ng Russia.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, dinakip si Mayor Ivan Fedorov noong nakaraang Biyernes ng mga Russian invaders sa Melitopol matapos tumangging makipag-cooperate sa kalaban.

Nitong Miyerkules nakausap na ni Zelensky si Fedorov.

Nagpasalamat ang local chief sa hindi pag-abandona sa kaniya at kasalukuyang nagpapagaling at nangakong muli aniya itong magbabalik para ipagtanggol ang kanilang bansa.

Ayon sa tagapagsalita ng Ukrainian presidency na si Dasha Zarivna, pinalaya si Federov kapalit ng siyam na nadakip na mga Russian soldiers na mga bata at conscripts na nasa edad 20 at 21.

Samantala, nananatili pa rin sa kamay ng mga kalaban ang mayor ng kabisera ng Dniprorudne sa southern Ukraine na dinakip noong linggo na mariing kinondena ng European Union.