-- Advertisements --
Iginiit ni Russian ambassador to the European Union Vladimir Chizhov, hindi nila lulusubin ang Ukraine maliban na lamang kung sila ay ma-provoke na gawin ito.
Kung maglulunsad aniya ng pag-atake ang Ukraine ay hindi dapat ikagugulat kung maglulunsad din ang Russia ng “counterattack” kung kinakailangan upang maprotektahan ang mga mamamayan nito na naninirahan sa eastern Ukraine.
Sa isang pagpupulong naman sa Kremlin, sinabi ni foreign minister, Sergei Lavrov na naniniwala si Russian President Vladimir Putin na hindi pa huli na magkaroon ng dayalogo sa pagitan ng Russia at Ukraine sa gitna ng pag-deploy ng 140,000 sundalo ng Russia sa borders ng Ukraine sa nakalipas na mga linggo.