-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng panibago at hindi maipaliwanag na kaso ng coronavirus sa ang mga opisyal mula sa US West Coast na nagbunsod ng takot sa naturang komunidad.

Wala umanong direktang koneksyon ang nmga pasyente na nagmula sa California, Oregon at Washington State sa kahit anong bansa na apektado ng COVID-19.

Ayon sa World Health Organization (WHO) ay umabot na sa 59 coronavirus case na ang naitala sa Estados Unidos.

Sa inilabas na impormasyon ng mga health officials mula sa Santa Clara County sa California, isang matandang babae ang nagpositibo sa coronavirus.

Hindi raw ito bumisita sa mga bansang apektado ng naturang sakit. Aminado naman ang mga ito na ang bagong kaso ay patunay lamang ng community transmission ngunit hindi pa malinaw kung hanggang saan ito aabot.

Base naman sa mga health officials mula Oregon na isang empleyado sa paaralan na matatagpuan sa Clackamas County ang nagpositibo rin sa virus.

Habang isang high school student naman sa Washington State ang tinamaan din ng sakit.