-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Tourism na hindi lahat ng Chinese nationals na bumibisita ng Pilipinas ay binibigyan ng visa pagdating sa paliparan ng bansa.

Ayon sa DOT, mga turistang Chinese na pumasa sa screening process ng government accredited travel agency at Bureau of Immigration lang ang binibigyan ng visas upon arrival.

Tsaka pa lang din makakatapak ng estado ang isang dayuhang Chinese kapag lahat ng dokumento nito ay dumaan na sa pagsusuri at aprubado ng Immigration.

“In the case of Chinese nationals, the agency wishes to clarify that the visa upon arrival (VUA) is only granted to Chinese tourists who have passed the screening of tour operators accredited by both the DOT and the BI,” ayon sa DOT.

“Said visitors will only be allowed entry after submission of all pertinent documents subject to the review and approval of the BI.”

Kung maaalala, iminungkahi ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. ang suspensyon ng nabanggit na proseso, bilang tugon sa ulat ng National Security Council na lumobo na ang bilang ng undocumented Chinese sa Pilipinas.

Sinabi rin kasi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na banta sa seguridad ng estado ang labis na populasyon ng naturang mga turista.

Ayon kay Locsin, dapat munang dumaan sa masusing pagkilatis ng consular offices ang aplikasyon ng isang dayuhang Chinese bago ito bigyan ng Philippine visa.

“We need to put an end to visas upon arrival; all visas should be issued by consular offices after vetting. We must take extra care in outsourcing any part of the visa application process, picking only the most reputable worldwide,” ani Locsin.

Bukas naman daw ang DOT sa posibilidad na makipag-ugnayan sa Immigrations at DFA para silipin muli ang proseso ng issueance ng visas upon arrival sa mga dayuhang bisita ng Pilipinas.