Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na hindi bababa sa limang kumpanya ang magsusumite ng kanilang bid para sa P18 billion vote counting machine contract.
Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, mas marami na kasing advanced technology sa panahon ngayon, lalo na para sa vote counting machine.
Gayundin, sinabi ni Garcia na inatasan niya ang Special Bids and Awards Committee na pasimplehin ang proseso ng bidding kaysa mauwi sa nitpicking.
Umapela aniya ang COMELEC sa nasabing komite pagdating sa minor technicalities.
Nauna nang ipinagpaliban ng Comelec ang pre-bid conference para sa 2025 vote counting machines dahil ang Bids and Awards Committee ay naglilinaw pa rin sa mga usapin at sinasagot ang mga paunang katanungan mula sa mga prospective bidders.