-- Advertisements --
cambodia 640x384 1

Hindi bababa sa 25 Pinoy na biktima ng human trafficking at illegal recruitment ang nailigtas sa Cambodia.

Ayon sa mga awtoridad, sila ay nagtatrabaho bilang mga scammer sa isang crypto farm.

Kaagad na inimulang hanapin ng mga opisyal ng Philippine Embassy ang mga manggagawa matapos humingi ng tulong ang ilan sa mga ito dahil sa hindi pagbabayad ng kanilang mga amo.

Natunton ang kanilang kinaroroonan sa tulong ng isang impormante.

Ayon kay Consul General Emma Sarne, lahat ng nasagip na mga Pilipino ay walang Overseas Employment Contract (OEC) at hindi dumaan sa legal na proseso.

Giit ni Sarne na nakalabas sila ng bansa na nagpapanggap na mga turista.

Sa ngayon, ang nasabing mga biktima ay nasa government facility na sa Cambodia at kasalukuyan nang nagsasagawa ang mga awtorida ng imbestigasyon at pakikipagtulungan sa Cambodian government.