-- Advertisements --
image 245

Pinaulanan ng bala at hinagisan ng granada ng hindi pa natutukoy na armadong kalalakihan ang opisina ng Drug Enforcement Unit ng Northern Police District sa Dagat-Dagatan sa Caloocan City nitong Sabado.

Ayon kay NPD director Police Brigadier General Rogelio Peñones, nangyari ang insidente dakong ala-2 ng umaga.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ilang police personnel ang naka-on duty nang mangyari ang pag-atake.

Sa kabutihang palad naman walang naitalang nasugatan sa insidente, subalit ilang parte ng himpilan ang napinsala partikular ang hagdanan sa labas ng opisina.

Sa ngayon mayroon ng tatlong persons-of interest ang pulisya sa likod ng pag-atake.

Ayon sa NPD, posibleng ang mga motibo ng mga suspek ay retaliation o paghihiganti mula sa ilang mga naarestong kriminal sa ikinasang ilang serye ng operasyon laban sa iligal na droga at high value targets.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at backtracking para matukoy ang mga suspek sa likod ng pag-atake.