-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Clark Development Corporation (CDC) na kanilang nalagpasan ang kanilang investment targets, kung saan sa unang dalawang linggo lamang nitong buwan ng Marso umabot na ito sa P44.4 billion investments.

Ayon kay CDC President at CEO Atty. Agnes VST Devanadera, ang nasabing accomplistment ay bunsod sa dynamic investment climate sa Clark sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Iprinisinta ni Devanadera ang kanilang accomplishment kay Secretary Frederick Go, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs sa ginanap na pulong sa Malacañang.

Ang nasabing mga investments ay mula sa ibat ibang sektor gaya ng renewable energy, tourism, semiconductors, electronics, pharmaceuticals, medical devices, green minerals, food and agriculture at steel or bakal.

Ang mga foreign investors na nagpahayag ng pamumuhunan sa bansa ay ang mga sumusunod: Donggwang Clark Corporation na mag invest ng P20 billion sa tourism and leisure estates; BB International Leisure and Resort Development Corporation nag commit ng P15 billion para sa resort at water theme park facilities; DeviceDesign Philippines Corp., mag invest ng P103 million para sa electronics manufacturing; Yokohama Tire Philippines, Inc. mag invest ng P3.56 billion para palawakin ang manufacturing operations.

May mga local investors din ang nag commit ng kanilang investments.

Dagdag pa ni Devanadera na kabilang sa mga ongoing development projects na isa sa legasiya ni Pang. Ferdinand Marcos ay ang Clark Multi-Specialty Medical Center (CMSMC), National Museum of the Philippines para sa North and Central Luzon na itinatayo sa loob ng Freeport.

Nalalapit na rin ang pag kumpleto sa North-South Commuter Railway na kumukunekta sa Freeport at sa ibang pang mga business district sa bansa.