-- Advertisements --

dswd1

Umaabot na sa P410,628,108 ang naipamahaging tulong ng Department of Social Welfare Development (DSWD) Field Office NCR sa ilang mga residente ng Metro Manila bilang kanilang tulong lalo na at nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang rehiyon.

Sa datos ng DSWD as of August 6,2021 nasa kabuuang 719,901 Family Food Packs at 65,314 non-food items ang kanilang ipinamahagi bilang augmentation assistance sa mga local government units at sa iba pang mga partner stakeholders bilang tugon sa implementasyon ng community quarantine sa Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic.

Namahagi naman ang DSWD Field Office NCR – Disaster Response Management Division kasama ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas ng Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang apektado ng ipinapatupad na granular lockdown.

Nasa 10,000 Family Food Packs (FFPs) ang ipinamahagi rin ng kagawaran bilang tugon sa pangangailanan ng mga nasabing pamilya.

Ang FFPs ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, 10 canned goods, at 10 na pakete ng instant coffee o cereal energy drink na tinatayang tatagal sa loob ng dalawang araw para sa pamilyang may limang miyembro.

Ang pagbibigay ng Family Food Packs ay isa lamang sa mga serbisyong ibinibigay ng DSWD Field Office NCR upang masuportahan ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na makapagbigay ng angkop na mga programa at serbisyo sa mga nangangailangan.

Ang kagawaran ay patuloy na magbibigay ng Serbisyong May Malasakit sa mga kababayan nating nangangailangan lalo’t higit sa panahon ng pandemya at kalamidad.

Ang nasabing Family Food Packs ay bukod pa sa pinansiyal na ayuda na matatanggap ng mga kababayan natin mula sa gobyerno.