-- Advertisements --
DAVAO CITY – Sasampahan na ng kaso ang isang lalaki na nakuhanan ng mga smuggled na sigarilyo sa Lungsod ng Davao.
Nakilala ang suspek na isang Tapsaren Alibasa, 47-anyos, residente ng Hagonoy, Davao del Sur.
Kaagad na isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad patungkol sa iligal na aktibidad ng suspek.
Nakumpiska sa kanyang posisyon ang mga pakete ng Hoodlum Brand ng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P27 milyon.
Nakuha rin ng kapulisan ang .45 caliber pistol na puno ng bala.
Sinasabing nasa 690 na karton ng iba’t ibang brand ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga P27,600,000.00 ang narekober.
Nasa kustodiya na ng Hagonoy Municipal Police station ang suspek.