-- Advertisements --
drugssulu

Nasa P20.4 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu kahapon.

Ito’y sa pamamagitan ng ikinasang joint buy bust operation sa pagitan ng PNP (Philippine National Police) at mga tauhan ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) in Muslim Mindanao.

Sa ulat mula kay Police Regional Office-BAR Regional Director Police Brigadier General Samuel Rodriguez, kinilala ang suspek na si Ejek Ali Abduhalim, 44-anyos na residente ng Barangay Bas-Nonok, Lugus, Sulu.

Nakuha sa kaniyang posisyon ang isang paper bag na naglalaman ng mahigit tatlong kilo ng hinihinalaang shabu na may market value ng mahigit P20 million.

Nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Rodriguez, napatunayan ang magandang koordinasyon ng PNP PRO-BAR at PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) PRO-BAR sa kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon naman kay PNP officer in-charge Chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar, doble kayod sila para maiwasan ang mas paglaganap ng iligal na droga sa bansa kaya asahang mas palalakasin pa ang kanilang anti-illegal drugs operations.