Inihahanda na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang patong-patong na kasong isasampa laban sa dalawang katao na iligal na nagbebenta ng Coronavirus disease 219 (COVID-19) test kits sa Parañaque City.
Ayon kay NBI OIC-Director Eric Distor ang mga suspek ay kinilalang sina Shanon April Mejia Alegre at Esseline Rasia Sy Ong na naaresto ng Anti-Organized and Transnational Crimes Division (AOTCD).
Nasa P2.4 million na halaga ng test kits ang nasabat sa mga suspek sa mga nakipagtransaksiyon online na undercover NBI agent.
Lumalabas na umorder online ang undercover ng 200 boxes ng test kits.
Nagkakahalaha ang isang box ng test kits ng P12,000.
Ang mga test kits ay mayroong markings na “Wondfo SARS COV2 Antibody Test (Lateral Flow Method).”
Una rito, sa magkahiwalay na advisories noong Abril, binigyang diin ng Food and Drug Administration (FDA) sa lahat ng mga licensed importers at distributors na ang COVID-19 test kits ay para lamang sa medical professional use at hindi ito intended sa personal use.
Ang lahat ng produkto ay mabibili ng general public at kailangan ay may prescription mula sa lisensiyadong physician, hospital pharmacy.
Base naman sa FDA Circular No. 2020-016 mariing ipinagbabawal online ang pagbebenta ng FDA certified COVID-19 antibody test kits.