DAVAO CITY – Nasa mahigit P2 milyong halaga ng mga fully-grown marijuana ang binunot ng mga tauhan ng Special Operations Unit 11, Kiblawan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, 2nd Davao Sur Provincial Mobile Force Company at 1104th Maneuver Company.
Una ng isinagawa ang operasyon sa Sitio Alpera, Barangay Kimlawis, lungsod sa Kiblawan, Davao del Sur.
Base sa report, aabot sa 12,000 na mga puno ng marijuana ang kanilang binunot sa dalawang bahagi ng lugar.
Ang nasabing mga lugar ay may kabuuang land area na 1,800 square meters.
Agad naman na sinunog ang nasabing mga marijuana para hindi na mapakinabangan.
Ang nasabing operasyon ay isa sa mga hakbang na kanilang ginagawa para mapalakas pa ang kanilang giyera laban sa illegal na druga.
Patuloy rin ang ginagawang surveillance ng otoridad sa iba pang mga marijuana farm sa nasabing lalawigan.