-- Advertisements --

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang indibidwal matapos mahuli sa magkahiwalay na buy bust operation kahapon, Enero 30, nitong lungsod ng Cebu kung saan umabot sa kabuuang P12.9 million pesos na halaga ng shabu ang nasabat.

Unang naaresto ang isang call center agent sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency at Regional Police Drug Enforcement Unit sa Brgy. Calamba nitong lungsod ng Cebu.

Kinilala ang naaresto na si Earl Christian Binoya, 34 anyos.

Nakumpiska mula sa posisyon ni Binoya ang isang kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 million pesos.

Makalipas ang ilang oras, nahuli sa isinagawang operasyon sa Brgy. Kamagayan nitong lungsod ang isang kinilalang Ricardo Decon Jr., 24 anyos.

Nakumpiska mula sa posisyon nito ang humigit-kumulang 900 gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P6.1 million pesos

Inihayag ni Cebu City Police Office Director PCol Ireneo Dalogdog na makapagdispose ang suspek ng droga sa nabanggit na lugar at sa mga kalapit na barangay.

Sinabi pa ni Dalogdog na malaki ang posibilidad na nakapagbenta na ang naaresto ng higit dalawang kilo ng shabu dahil may narekober din ang mga itong tea bags na mga walang laman.

Nahaharap ngayon ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.