-- Advertisements --

Umabot sa P121, 687, 633 ang pinsala na iniwan ng Bagyong Pepito.


Ito ay bata sa ulat na nakuha ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lugar na tinamaan ng Bagyo.

Ayon kay NDDRMC Spokesperson Mark Timbal, na sa nasabing bilang P92,457,633 ang pinsala sa agrikultura habang P29,240,000 naman ang pinsala sa imprastraktura na karamihan ay mga paaralan.

Iniulat din ni Timbal na 5,555 pamilya o katumbas ng 25,268 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyo.

Nasa 3,639 sa mga pamilya o katumbas ng 16, 343 ang inilikas at dinala sa 89 na evacuation center sa Region 2, Region 3 at Region 4-A.1