-- Advertisements --

Arestado ng mga sakop ng otoridad ang isang construction worker matapos makunan ng mahigit P1.3 million na halaga ng druga sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Ihawan, Barangay Pusok lungsod ng Lapu-Lapu.

Kinilala ang naaresto na si Ronie Dadula Cuizon, alyas Oni, 35-anyos at residente ng Barangay Labangon nitong lungsod ng Cebu.

Nakumpiska mula sa suspek ang walong pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng aabot sa P1,360,000, buy-bust money at isang sling bag.

Nahaharap ngayon si Cuizon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.