-- Advertisements --

Nakabalik na sa bansa ang mahigit 9,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa loob lamang isang linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang pahayag, masayang ibinalita ng ahensya na 9,461 nating mga kababayan mula sa ibang dagat ang nakauwi na sa Pilipinas noong nakaraang linggo.
Dahil dito ay umabot na sa 213,942 ang kabuuang bilang ng mga OFWs na natulungan ng DFA na makauwi sa kani-kanilang pamilya simula noong Pebrero 2020.

Karamihan sa mga napauwi noong nakaraang linggo ay mula sa Middle East, Saudi Arabia at United Arab Emirates.

May mga repatriates din mula Brazil, Spain, Myanmar, Pakistan, Thailand, Indonesia, Japan, the Netherlands, Norway at Turkey.

Patuloy naman ang ginagawang mga hakbang ng DFA upang tulungan ang mga OFWs sa ibang bansa na makauwi na ng bansa habang nasa kalagitnaan pa ng pandemic ang buong mundo.