-- Advertisements --
Mahigit 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility ang dumating sa Pilipinas ngayong hapon.
Lumapag ang Emirates flight lulan ang 918,450 Pfizer jabs sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-4:00 ng hapon.
Marso 1 ng kasalukuyang taon nang sinimulan ng Pilipinas ang vaccination program nito kontra COVID-19.
Sa ngayon, mahigit 20 million Pilipino pa lang ang bakunado kontra sa naturang sakit.
Kabilang sa mga brands ng COVID-19 vaccines na natanggap ng Pilipinas ay gawa ng Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson, Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V.