-- Advertisements --

Hindi bababa sa 805 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng mga otoridad na humantong sa pagkakaaresto ng isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Ermita nitong lungsod ng Cebu kagabi, Setyembre 26.

Nakilala ang naaresto na si Renzo Alferez, 23 anyos at residente ng Barangay Mambaling nitong lungsod.

Nakumpiska mula sa posisyon nito ang tinatayang nagkakahalaga ng P96,600 na pinatuyong marijuana.

Ayon sa pulisya, may posibilidad na nagbenta nito ang suspek para kumita dahil wala itong trabaho.

Makapagdispose pa ng hindi bababa sa 800 gramo ng dried marijuana leave si Alferez sa loob ng dalawang linggo.

Sinabi naman ng suspek na nagmula pa ang mga nakumpiskang pinatuyong marijuana sa kanyang supplier sa lungsod ng Toledo.

Kasalukuyan namang binabantayan ang hindi muna pinangalanang indibidwal na sinasabing amo ni Alferez at responsable sa pagdadala ng pinatuyong marijuana mula Toledo City hanggang Cebu City.

Kasalukuyang nakadetain ngayon sa Carbon police station ang naaresto at nakatakdang sampahan ng karampatang kaso.