KORONADAL CITY – Malaking kawalan sa mga terorista sa Mindanao ang boluntaryong pagsuko ng higit 80 mga armado mula sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat at Maguindanao bitbit ang kanilang mga highpowered firearms.
Ito ang inihayag ni Col. Oriel Pangcog, commander ng 601st Brigade, Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Col. Pangcog, sa nasabing bilang 41 sa mga ito dating myembro ng New Peoples Army mula sa Probinsya ng Sultan Kudarat at 39 naman ang mga dating kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers mula Maguindanao.
Napag-alaman na e-prenisinta sa publiko ng Kampilan Division ang mga sumukong armado kasama ang kanilang mga isinukong matataas na kalibre ng baril.
Kabilang sa mga sumuko ang mga highranking officials ng BIFF kung saan 21sa mga ito mula sa BIFF-Bungos faction, 12 mula sa BIFF-Karialan faction at 6 naman mula sa BIFF-Toraiffe faction na nagsasagawa ng operasyon sa SPMS BOX AREA o sa mga delikadong lugar gaya ng Shariff Aguak, Pagatin (Datu Saudi Ampatuan town), Mamasapano, at Shariff Saydona.
Agad naman silang binigyan ng paunang financial assistance ng Maguindanao at SK Provincial Govenment habang inihahanda na rin ang Livelihood Assistance para sa mga ito.
Sa ngayon, umaasa ang militar na magpapatuloy pa ang pagsuko ng mga armadong grupo sa nabanggit na mga lugar upang maiwasan ang anumang karahasan sa darating na May 9,2022 National at Local Elections.