Nakapanumpa na ang mahigit 8,000 bagitong abogado na isinagawa sa isang malaking mall sa Pasay City.
Ayon sa Office of the Bar Confidant, nagsimula ang oathtaking dakong ala-1:00 ng hapon.
Limitado lang ang seremonya sa mga manunumpa, mahistrado ng Supreme Court (SC), examiners, law school deans, ilang opisyal ng SC at organizers.
Sa isinagawang oathtaking, binalikan ni Associate Justice Marvic Leonen na siyang chairperson ng 2020/2021 Bar Exam, ang paghihirap ng mga bagong abogado bago maabot ang kanilang mga pangarap.
Ngayong taon, nasa 8,241 ang pumasa sa nakalipas na Bar Examinations nitong Pebrero.
Mula ito sa 11,402 na kumuha ng Bar na kumakatawan sa 72.28 percent.
Sila aniya ay nakakuha ng 75 percent o higit pa na iskor sa naturang pagsusulit, 761 ang nakakuha ng grado na 85 hanggang 90 percent o katumbas ng 9.23 percent ng Bar examinees.
May 14 naman ang nakakuha ng mahigit percent na grado na kumakatawan sa 0.17 percent na kumuha sa nagdaang Bar Exams.