-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 3.42 million ang kabuuang bilang ng coronavirus cases sa Estados Unidos matapos makapagtala ang nasabing bansa ng 63,262 bagong kaso sa loob lamang ng isang araw.
Batay sa datos ng Johns Hopkins University, nadagdagan din ng 850 katao ang nasawi dahilan upang umabot na ng 136,432 ang death toll sa bansa.
Ngayong araw din ay inilabas ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang resulta sa ginawang pag-aaral na sumusuporta sa malawakang paggamit ng face masks para hindi na lalo pang kumalat ang deadly virus.
Inanunsyo rin ng American biotech company na Moderna na naghahanda na ito sa final phase ng kanilang clinical trial para sa posibleng COVID-10 vaccine.