-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo na mahigit 500 pulis ang pumalit sa mga guro bilang board of election inspectors sa Cotabato City.

Ayon kay Fajardo, ang mga naturang pulis ay magsisilbi bilang special electoral board sa 175 clustered precincts sa 33 polling centers sa Cotabato city.

Sinabi ni Fajardo na bahagi ito ng contingency plan ng PNP kung sakaling hindi magampanan ng mga guro ang kanilang tungkulin.

Ayon kay Fajardo, umatras ang mga guro na magsilbi bilang BEI dahil sa pangamba sa kanilang seguridad matapos na harangin ng mga miymebro ng isang political party ang mga vote counting machines sa tapat ng Comelec Office sa Cotabato City.

Ayon sa opisyal 26 sa 33 voting centers sa Cotabato City ang nakapagsimula ng botohan as of 10am kaninang umaga.