-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit 5,000 katao ang napatay sa mga protesta sa Iran, kabilang ang humigit-kumulang 500 security forces, ayon sa isang lokal na opisyal.

Ang mga “terorista at armadong labanan” ang responsable umano sa pagkamatay ng mga inosenteng Iranian.

Ayon naman sa US-based human rights group (HRANA), 3,308 na ang kumpirmadong namatay, habang 4,382 pang kaso ang sinusuri, at mahigit 24,000 katao ang naaresto.

Maraming residente at video sa social media ang nagpakita ng marahas na pagpigil ng mga pwersa ng estado sa mga demonstrasyon, kabilang ang direktang pamamaril sa mga nagpoprotesta na karamihan ay kabataan.

Pinakamataas ang bilang ng mga nasawi ay sa Kurdish region sa hilagang-kanluran, kung saan aktibo ang mga armadong separatist.

Matatandaan, sumiklab ang mga kilos protestasa Iran noong Disyembre 28 ng nakalipas na taon dahil sa krisis sa ekonomiya, hanggang sa lumawak ito sa malawakang panawagan para sa pagwawakas ng pamumuno ng kasalukuyang rehimen.

Sa kabila ng mga pagkilos ng estado, sinabi ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na hindi nila ilulugmok ang bansa sa digmaan, ngunit tiniyak niyang mapaparusahan ang mga responsable sa kaguluhan kung saan sinisi ng Supreme leader ang Amerika at Ukraine na nasa likod umano ng libu-libong pagpatay sa malawakang kilos protesta sa kanilang bansa