-- Advertisements --
Crame cars policemen PNP

Isinailalim sa drug test at polygraphic o lie detector test ang nasa 356 narco cops na nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim na sa adjudication process.

Tumanggi naman si PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa banggitin kung ano ang mga proseso lalo na kung isasailalim ang mga ito sa lifestyle check.

Sinabi ni Gamboa sa 357 narco cops, isa rito ang namatay na habang 15 ang nag-avail ng early retirement at 43 ang nag-AWOL.

Inihayag ni Gamboa, binaril-patay naman ang isa sa ito.

Hindi naman binanggit ni Gamboa kung ilan ang nagpositibo sa drug test pero ang lahat na present noong araw na pinatawag ang mga ito sa Kampo Cramr ay negative ang result.

Nasa 47 naman ang absent.

Paliwanag ni PNP chief ang pagsailalim sa polygraph test sa mga isinangkot na narco cops ay walang probative value dahil ginawa nila ang nasabing hakbang in aid of investigation.

Siniguro rin ni Gamboa na magkakaroon ng hiwalay na trial ang 43 na mga narco cops.