-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nakatakdang dumating sa Eastern Visayas ang mahigit 3 libong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng kompanya ng Sinovac ng bansang China.

Ayon kay Jelyn Lopez, tagapagsalita ng Department of Health (DOH- 8), aabot sa 3,450 katao ang magbebenepisyo sa  paunang alokasyon.

Unang makakatanggap ng alokasyon na ito ang tatlong pilot hospitals: Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC), Divine Word Hospital (Tacloban) at Schistosomiasis sa Palo, Leyte. 

Matapos naman na mai-deliver ang bakuna sa naturang ahensya, ay kaagad ang mga itong dadalhin sa storage facility bago mailipat sa mga ospital.

Ayon pa kay Lopez, na wala pang eksaktong petsa ang delivery pero posible na dumating ang mga bakuna ngayong weekend na kaagad naman na ipapamigay sa mga doktor at health workers.