-- Advertisements --
Sumailalim na rin sa coronavirus swab test ang nasa 217 contacts ng Pilipino na dinapuan ng bagong variant ng coronavirus na natagpuan sa United Kingdom (UK).
Sinabi ni Dr. Rolly Cruz, head ng Quezon City epidemiology and surveillance unit, na nahanap na ng mga otoridad ang iba pang close contacts ng nasabing pasyente.
Karamihan aniya sa mga ito ay na-swab na hanggang second level at hinihintay na lamang ang resulta.
Una nang sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na asymptomatic na ngayon ang lalaking residente ng QC na dumating sa bansa mula Dubai noong Enero 7.
Hinihintay na lang aniya nila na matapos ang quaratine period ng nasabing pasyente.