-- Advertisements --

Nasa mahigit 180,000 na mga pulis at sundalo ang idedeploy ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa para sa nalalapit na halalan layon nito para matiyak na maging maayos, mapayapa ang May 13, national and local elections.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, sa hanay ng PNP nasa 143,000 police contingents ang magmamando sa halalan.

Subalit hindi pa masabi ni Banac kung ilan sa naturang bilang ang ipakakalat sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Dagdag pa ni Banac sa darating na May 7, magkakaroon ng send-off ceremony sa mga PNP at AFP troops na gaganapin sa Kampo Aguinaldo.

Sa panig naman ng AFP, nasa 39,000 na mga sundalo ang kanilang ide-deploy sa mga tinaguriang critical areas lalo na sa mga lugar na nag ooperate ang teroristang Abu Sayyaf, New People’s Army (NPA), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at mga ISIS inspired groups.

Ayon kay AFP spokesperson Marine General Edgard Arevalo nakalatag na ang kanilang security measures sa para sa halalan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Western Mindanao Command na hindi nila pababayaan ang kanilang sustained military operations laban sa mga teroristang grupo.

Itoy kahit nasa election mode na ang militar ngayon sa Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Westmincom Spokesperson Col Gerry Besana simula last week nag ikot na sa ibat ibang lugar sa Western Mindanao si Wesmincom Comdr Lt. Gen. Arnel Dela Vega.

Sinabi ni Besana nagpatupad na rin sila ng security adjustment.

Kuntento naman ni Lt Gen. Arnel Dela Vega sa naging latag ng mga seguridad ng kaniyang mga ground commanders.