Patay ang nasa mahigit 151 katao habang nasa 150 mga indibidwal naman ang sugatan sa nangyaring stampede sa isang Halloween party sa Seoul, South Korea.
Sa ulat, naganap ang naturang stampede malapit sa Hamilton Hotel sa may nightlife district ng Itaewon bandang alas-10:00 ng gabi matapos na sapilitang pumasok ang malaking bilang ng mga tao sa isang masikip na eskinita dahilan para masaktan ang maraming indbidwal at ikinasawi naman ng nasa 146 katao.
Agad namang nagpadala ng nasa mahigit 140 mga ambulansya sa lugar ng pinangyarihang insidente ang mga kinauukulan para sa daliang pagdadala sa ospital ng mga sugatang indibidwal.
Habang pansamantalang inilipat muna sa kalapit na gym ang mga labi ng mga nasawing biktima para sa kanilang mga pagkakakilanlan.