-- Advertisements --
Bureau of Immigration - rapid test

Sumalang na sa rapid antibody test ang mahigit 1,000 na empleyado ng Bureau of Immigration (BI) kasunod na rin ng direktibang mandatory testing sa lahat ng mga personnel matapos magpositibo ang isa nilang kawani sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, tuloy-tuloy naman ang isinagasagawa nilang covid test sa kanilang mga empleyado hanggang lahat ng mga ito ay sumailalim na sa test.

Ito ay para masiguro umanong hindi infected ng virus ang kanilang mga frontliners.

Sa ngayon, 1,100 na raw sa 3,000 BI employees ang sumailalim sa test at 1,000 dito ang boluntaryong nagpasailalim sa covid test na isinagawa ng Immigration medical section.

Libre naman umanong maka-quarantine ang mga BI employees na kailangan ng isolation kapag na-expose sa virus.

Lumalabas na mayroon nang kabuuang 828 BI head office  employees ang sumalang sa test na isinagawa ng Manila City Hall medical team noong June 10 hanggang 11 sa kanilang main office sa Intramuros, Manila.

“We will continue to conduct these tests for our employees until all of them are tested. We have to make sure that our frontliners are not infected with this virus,” ani Morente.