-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit 10 milyong ePhillDs ang naipamahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA), dalawang buwan matapos itong ilunsad.
Ang ePhilID ay ang digital version ng Philippine ID na maaaring printed, o di kaya ay mai- download.
Sa pinakahuling tala ng PSA, aabot na sa 10,126,352 ePhillDs ang na-isyu sa iba’t ibang Philippine Identification System (PhilSys) registration centers nationwide.
Ayon naman kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, maituturing itong isang major milestone dahil nangangahulugan itong handa na ang mga Pilipino para sa digital ID.
Kasunod nito, tiniyak naman ng PSA na lahat ng nag-register sa PhilSys ay makakatanggap pa rin ng PhilID card kahit kumuha na ng ePhilID.
















