Aabot sa mahigit kalahating milyong piso ang nalikom ng 1st BuCor Cup shoot ng Bureau of Corrections.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang, ang naturang pondo na nalikom ng naturang ahensya ay siya namang gagamitin sa mga feeding program ng mahigit 100 ‘wasted and severely wasted students’ ng Itaas Elementary School sa lungsod ng Muntinlupa.
Ipinag-utos na rin ng BuCor official kay head executive assistant Supt. Maria Fe Marquez na kaagad na makipag-ugnayan sa naturang paaralan para sa pormal na pagpapatupad ng nasabing programa para sa mga kabataan ng nasabing paaralan.
Batay sa datos , aabot sa higit sa 100 estudyante sa naturang mababanng paaralan ang malnourished at kulang sa timbang na kinokonsidera namang ‘wasted and severely wasted’.
Iniulat naman ng ahensya na kanilang makatutuwang sa pagpapatupad ng programa ang ang mga volunteer doctors at dietitians.
Ang mga ito ang siyang mag momonitor sa progress ng mga estudyante hanggang maging maayos na muli ang kanilang health conditions.