-- Advertisements --

nolcom2

Isang high-ranking official ng New People’s Army (NPA) ang nasawi matapos makasagupa ang mga sundalo sa Barangay Kimbutan, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.

Isisilbi sana ng mga tropa mula sa 7th Infantry Division (ID) kasama ng Dupax-Philippine National Police ang warrant of arrest laban sa suspek pero nagpaputok umano ang mga armadong NPA na nag-resulta sa limang minutong sagupaan.

Nakilala ang napatay na NPA ranking officer na si Rommel Tucay alyas Steve Isaac, sekretarya ng Kilusang Larangan Gerilya (KLG) Sierra Madre na nahaharap sa kasong homicide.

Narekober mula sa crime scene isang 9mm pistol, mga dokumento, tatlong tablet, pitong cellphone, dalawang Icom radio sets, tatlong powerbank, at mga personal na gamit.

nolcom

Ayon kay 7th ID M/Gen. Alfredo Rosario Jr., ang matagumpay na joint operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP)-PNP laban sa NPA ay patunay sa seryosong commitment para tapusin ang tapusin na ang problema sa communist insurgency.

Samantala, pinuri ni North Luzon Commander chief Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos ang mga tropa sa matagumpay na operasyon.

“Your steadfast commitment and dedication to respond to the call of the government to end the NPA’s reign of terror in Northern Luzon is essential in preserving the democratic way of life of the Filipino people in this part of the country,” wika ni Lt.Gen. Burgos.

Siniguro ni Burgos na mas lalo pang palalakasin ng AFP at PNP ang kanilang ugnayan para labanan ang communist terrorists group na kumikilos sa Northern Luzon.

Nananawagan naman si Burgos sa mga remnant ng NPA na sumuko na at magbalik loob sa gobyerno para magbagong buhay.