Hinatulan ng 23 taong pagkakakulong ang high-ranking member ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sa 16 na pahinang joint decision, napatunayan ng Taguig City RTC Branch 266 na guilty si Tirso Alcantara, leader ng NPA’s Southern Tagalog Party Committee sa illegal possession ng explosives o pampasabog at firearms o mga baril.
Senintensiyahan ito ng 11taong pagkakakulong at apat na buwan hanggan 16 na taong , limang buwan at 9 na araw para sa illegal possession ng exploisves.
Habang hinatulan naman ito ng minimum na limang taon, apat na buwan at 20 araw na pagkakakulong hanggang maximum na 7 taon, apat na buwan na kulong para sa illegal possession naman ng firearms at ammunition.
Namultahan din ito ng P50,000 at P30,000 para sa kinakaharap na kaso.
Ayon sa DOJ na tinangka ni Alcantara na tumakas gamit ang siang motorisklo nang isilbi na ng joint operatives ng Philippine Army at ng Philippine National Police ang kaniyang arrest warrant para sa rebellion.
Subalit napigilan ito matapos na magtamo ng sugat sa shootout ng awtoridad para harangin si Alcantara.
Narekober mula sa NPA leader ang grenade, MK2, 9 blasting caps, 12 feet at seven inches ng time fuse, isang caliber .45 colt, two magazines, at 14 rounds ng live ammunition mula kay Alcantara na bigong makapagpresenta ng mga dokumento sa mga baril na nasa pag-iingat nito.