-- Advertisements --

Desidido si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na makakuha muli ng gintong medalya.

Ayon kay Pinay weightlifter na nais niyang maulit ang pagkakawagi nito gintong medalya sa papalapit na 2024 Paris Olympics.

Dagdag pa nito na gagawin niya ang lahat ng makakakaya para makuha ang nasabing medalya.

Pinayuhan din nito ang kapwa atleta na dapat ay huwag sukuan ang mga pangarap hanggang ito ay tuluyang maabot.