-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Lebanese-armed group na Hezbollah ang matagumpay nilang atake sailang lugar sa Israel.
Gamit ang Burkan missile ay tinamaan nila ang Zarait barracks, Barkat Risha, Hadab Yarin at Jal-al-Alam sites na malapit sa southern border ng Israel.
Dahil sa insidente ay ilang libong katao na nasa border ng southern Lebanon at Israel ang inilikas.
Iniulat din ng Israel na inatake nila gamit ang fighter jets ang dalawang military headquarters ng Hezbollah.