-- Advertisements --

Naging maganda ang pakikipag-kooperasyon ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez sa isinasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ukol sa anomalya sa flood control projects.

Sinabi ni ICI special Adviser at Baguio City Mayor Benjamin Magalong mayroong mga sensitibong impormasyon itong ibinunyag sa kanila.

Dagdag pa ni Magalong na naging mahalaga at bukal ang mga ibinunyag ni Hernandez sa kanila.

Ang mga sensitibong impormasyon ay magagamit sa nila sa kanilang imbestigasyon.

Magugunitang isinurender ni Hernandez ang kaniyang luxury car bilang senyales na handang itong makipag-koordinasyon sa imbestigasyon.

Inaasahang masusundan pa ang pagsuko nito ng ilan pang mamahaling sasakyan.