CAUAYAN CITY – Positibo sa COVID-19 ang hepe ng Burgos Police Station sa Isabela, ang kauna-unahang nagpositibo sa sakit sa naturang lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinumpirma ni PCaptain Fernando Mallillin, hepe ng Burgos Police Station, na siya ay positibo sa COVID-19 at nananatiling asymptomatic.
Nalaman niyang siya ay positibo sa COVID-19 matapos na sumailalim sa swab test matapos niyang makasalamuha ang ilan pang COVID-19 positive.
Kasunod nito ay nagpakonsulta siya kaagad sa doktor at pinayuhang mag-isolate at home quarantine ng pitong araw.
Sa kabila nito ay nanatiling operational ang kanilang hanay at nanatiling nagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ng kanilang Deputy Chief of Police.
Mahigpit pa ring ipinapatupad ang mga health protocols sa loob at labas ng kanilang himpilan.