-- Advertisements --

Inialok ng Department of Justice ang kanilang helpline para sa mga estudyanteng nakararanas ng kaso ng pambubully.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Justice Secretary Fredderick Vida ang mga estudyante na iulat ang mga kaso ng bullying direkta sa helpline ng ahensiya at nakahanda aniya ang kanilang prosecutors na aksyunan ang mga reklamo.

Aniya,maaaring idulog ng mga magulang at mga estudyante ang kanilang concerns sa DOJ Action Center o alinman sa walong Regional Katarungan Offices.

Ayon sa kalihim, pinapalawig pa nila ang access para sa mga serbisyo upang maaksiyunan ang mga concern sa mga paaralan sakaling magkulang ang mga lokal na pagtugon.

Aniya, maaaring lapitan ng mga biktima ang prosecutors ng gobyerno, na siyang susuri sa bawat kaso at magdedetermina ng kaukulang aksiyon, ito man ay pagsasampa ng kaso, mediation o referral sa ibang opisina.

Iniugnay ng kalihim ang isyu sa kamakailang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City, sabay giit na ang mga hindi naresolbang grievances kabilang ang bullying ay maaaring lu,ala kung hindi masuri.

Kayat sinabi ni Vida na naniniwala ang ahensiya na kayang maagapang lumala ang mga sitwasyon kung may maagang pagpagitan sa mga ito.