Posibleng permanenteng i-ban o ipagbawal na ang gaming platform na GoreBox sa Pilipinas dahil sa kabiguan ng developer na ipaliwanag ang karagdagang safeguards sa mga awtoridad, ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Matatatandaang agad blinock ng ahensiya ang GoreBox matapos ang pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22, na kumitil sa tatlong estudyante at ikinasugat ng iba pa.
Nauna nang sinabi ng mga awtoridad na maaaring nakaimpluwensiya sa dalawang menor de edad na suspek ang naturang laro para isagawa ang marahas na pamamaril sa paaralan.
Ayon sa cybercrime agency, ibabalik lamang nito ang access sa sandbox game kapag may sapat ng safeguards para protektahan ang mga user.
Inihayag naman ni CICC Executive Director Renato Paraiso na ang pagtanggi ng developer ng Gorebox na si Felix Filip na humarap sa Philippine authorities para ipaliwanag kung may sapat na safety checks ang Gorebox o wala ay maaaring magresulta sa hindi na pagbawi ng ban na ipinataw noong Hunyo 23.
















