-- Advertisements --

Magkakaroon ng ilang adjustment ang Miami Heat para sa paghaharap nila ng Denver Nuggets sa NBA Finals.

Kasunod ito sa lumabas na balitang paboritong magkampeon ang Nuggets kontra sa Miami.

Sa huling limang paghaharap ng dalawang koponan ay hindi pa nananalo ang Heat sa Denver mula pa noong 2020.

Ilan sa mga posibleng adjustment na ipapatupad ni Heat coach Erik Spoelstra ang paggamit ng ilang mga bench players nila.

Magiging advantage na rin sa Heat ang posibleng pagbabalik sa paglalaro ni Tyler Herro na maaring makapaglaro na sa Game 3 Finals.

Si Herro ay pangalawang leading scorer ng Heat na mayroong average points na 20.1 points.

Hindi ito nakapaglaro sa post season dahil sa injury sa kaniyang kamay.

Nais rin ng Heat na masira ang diskarte na ipapatupad ni Nuggets coach Michael Malone na nagsagawa ng pito hanggang walong manlalaro sa rotations na kaniyang ginamit noong playoffs.