-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng Miami Heat na makakalaro ang kanilang point guard na si Goran Dragic sa Game 6 NBA Finals laban sa Los Angeles Lakers.

Nagtamo kasi ng torn plantar fascia si Dragic noong Game 1 nila ng Lakers.

Dahil sa nasabing injury ay hindi na nito nakapaglaro mula Game 2 hanggang Game 5.

Mayroong average ito ng 19.9 points, 4.6 assists at 4 rebounds sa kada laro si Dragic.