ILOILO CITY – Nasa moderate risk na ang health care utilization rate sa buong Western Visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Daphynie Teorima, Medical Officer III ng Department of Health (DOH) Region VI, sinabi nito na mayroon pang 248 reserve beds para sa COVID-19 patients ang rehiyon, 559 sa ward, 1,320 na isolation beds at 176 na mechanical ventilation.
Ayon kay Teorima, upang maiwasan ang over-utilization o kakulangan sa mga hospital equipment, inirekomenda nila sa bawat local chief executive na mas higpitan ang mga protocol upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 at mapigilan ang lumalalang sitwasyon sa mga ospital.
Pahayag nito, nagpapatuloy din ang kanilang paghahanap ng suppliers ng oxygen upang mapaghandaan ang paglobo ng kaso ng COVID-19.