-- Advertisements --
DOH coronavirus advise

ROXAS CITY – Nakaalerto ang health sector ng buong lalawigan ng Capiz sa kumakalat na 2019 Novel Coronavirus sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Ayr Altavas ng Provincial Health Office (PHO)-Capiz sa kabila na walang may namonitor ang tanggapan na may nakapasok sa lalawigan na posibleng nakaramdam ng sintomas ng nasabing sakit ay naalerto ang lahat ng medical facilities at lahat ay nagsasagawa ng precautionaty measures bilang paghahanda.

Tinutukan rin ang dalawang airports sa Western Visayas na may international flights kabilang na sa Kalibo, Aklan at Iloilo International airport para masiguro na hindi makapasok sa Region 6 ang naturang sakit.

Sa ngayon ay patuloy ang information dissemination ng health sector sa publiko para makaiwas sa nasabing sakit.