Pinatalsik sa pwesto ni Brazilian President Jair Bolsonaro ang health minister ng bansa na si Nelson Teich matapos magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa tungkol sa paraan ng Brazil para labanan ang coronavirus.
Nanawagan din si Bolsonaro sa iba’t ibang estado na tanggalin na ang ipinatutupad na stay-at-home order dahil malaki na raw ang nagiging negatibong epekto nito sa ekonomiya ng bansa.
Kung matatandaan, minaliit noon ng Brazilian president ang coronavirus outbreak at pinuna niya rin ang mga state governors na nagpatupad ng patakaran na suportado ng health experts maging ni outgoiung minister, Luiz Henrique Mandetta.
Sa pamamagitan ng televised speech, sinabi ni Bolsonaro na hindi umano binibigyang halaga ni Mandetta ang mga taong mawawalan ng trabaho kung magpapatuloy ang lockdown sa naturang bansa.
Patuloy naman ang debate ng mga pulitiko mula sa iba’t ibang bansa kung kailan at papaano muling ibabalik sa normal ang kanilang ekonomiya sa oras na matapos na ang lockdown.
Naniniwala naman ang mga medical experts na malayo pa ang Brazil mula sa peak ng nakakamamatay na virus at masyado pa raw maaga para itigil na ang social distancing sa bansa.
Sa huling tala ay mayroon nang 30,683 COVID-19 cases sa Brazil at 1,947 na ang namamatay.