Hinimok ni Quezon City Rep. Precious Castelo ang mga otoridad na payagan ang mga tao na tumawid sa borders basta may maipakita na health clearance sa halip na travel pass na ibinibigay ng Philippine National Police (PNP).
Para kay Castelo sapat na ang pagkakaroon ng medical certificate sapagkat “hindi naman of probative value itong travel pass na ini-issue ng PNP.”
HIndi naman kasi talaga trabaho ng PNP ang pagbibigay ng travel pass kundi ay dapat ay nakatutok sa pagpapanatili aniya sa public order at kaligtasan ng publiko.
Iginiit ni Castelo na ang COVID-19 crisis ay isang health issues, at ang dapat na tutukan ng mga otoridad ay kung paano gawing mabilis at efficient ang issuance ng medical certificates.
“Siguro yung checkpoint areas ang kailangan nilang paigtingin at higpitan, pero when it comes to documentation, ang palagay ko ang kailangan nilang ayusing maigi yung pag-iissue ng medical certification,” dagdag pa nito.










