-- Advertisements --

Ilang daang residente ng France, Spain at Portugal ang inilikas dahil sa pagsiklab ng wild fire.

Kasabay din ito ay nagbabala ang mga health officials dahil sa pagkakaroon ng masamang epekto sa pangangatawan ng nararanasang heatwave.

Gumamit na ng mga eroplano ang mga bumbero sa France para tuluyang maapula ang wildfire.

Sa Spain ay nasa mahigit 17 ektaryang lupain ang nasunog.

Nababahala ang mga Italy sa pagkatuyo ng Po river na siyang pinakamahabang ilog sa bansa.