Mabibigyan na ng Social Security System coverage ang nasa mahigit kalahating milyon na mga temporary government workers sa bansa.
Bahagi ito ng membership expansion program ng SSS na layuning mabigyan maging nang temporary government workers eligibility para sa compenstation benefit nito.
Ayon sa naturang state-run firm, sa ilalim ng kanilang programa ay mabibigyan ng benepisyo ang mga state employees na nasa ilalim ng job order o contract of service arrangements na kapwa hindi covered ng Government Service Insurance System.
Ang naturang programa ay pinangalanang “KaSSSangga Collect” na nagpapahintulot sa mga temporary public workers na magpa-rehistro ng kanilang sarili bilang self-employed memberr, habang ang kani-kanila namang organizations ang magkokolekta at magre-remit ng kanilang contributions sa SSS.
Samantala, kaugnay nito ay hinikayat naman ni SSS executive vice president for branch operations sector Voltaire Agas ang iba pang mga local government officials, at public sector leaders na mas palawigin pa ang social security protections ng kanilang mga constituents at colleagues sa pamamagitan ng subsidizing ng kanilang monthly SSS contributions.