-- Advertisements --

Hinimok ni House trial spokesperson at impeachment adviser Robert Ace Barbers ang publiko na hayaang umusad ang proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte at pakinggan muna ang lahat ng ebidensya bago humusga.

Ayon kay Barbers, ang impeachment ay isang mekanismong itinakda ng Konstitusyon upang matukoy ang katotohanan sa pamamagitan ng ebidensyang ihaharap sa isang patas na hukuman.

Iginiit din ni Barbers na hindi dapat maimpluwensiyahan ng mga islogan, haka-haka, o mga kampanya sa social media ang opinyon ng publiko. 

Aniya, ang Senado bilang impeachment court ang may tungkuling magpasya sa kaso batay sa mga ebidensyang ihaharap.

Binigyang-diin ni Barbers na ang pagpapahintulot sa maayos na pagdinig ng kaso ay makatutulong sa pagpapatibay ng tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan.

Si Barbers ang dating chairman ng House Committeee on Danagerous Drugs at Lead Quad Comm leader, sinabing ang senate impeachment court ang may constitutional duty na mag determina sa kaso ni VP Sara at hindi ang mga pulitiko at online commentators.