-- Advertisements --
Nagpasya si Atlanta Hawks player Lou Williams na magretiro sa paglalaro sa NBA.
Sa kaniyang social media account ay isinagawa ng 36-anyos na si Williams ang anunsiyo.
Nagwagi siya ng tatlong beses ng Sixth Man awards at nakapagtala ng maraming puntos kahit bench player sa kasaysayan.
Naging bahagi siya ng ilang mga koponan mula Philadelpia 76ers, Toronto Raptors, Los Angeles Lakers, Houston Rockets, LA Clippers at ang huli ay sa Hawks noong 2021-22 season.
Sa kabuuang 1,123 regular-season ay naglaro lamang ito ng 17 season na mayroong kabuuang 13,396 points sa bench na mas mataas pa kina Jamal Crawford at Dell Curry na siyang tanging three time recipient ng Sixth Man award sa kasaysayan ng NBA. Naging 45th pick ito ngoon 2005 ng 76ers.










